
☑ 6pcs. 1x1 white background picture
☑ SSS Number / SSS E-1 / SSS E-4
☑ NBI Clearance
☑ Barangay Clearance
☑ Medical Certificate
☐ NSO Birth Certificate
- NSO BC na lang ang requirement na problema ko sa job. After that, handang handa na ko para sa first day high namin sa wednesday. :D

May work na pala ako, sa..

Nung tuesday lang ako na-hired. Na-hired after almost 3 months na paghahanap ng trabaho, 3 months unemployed. I was hired for the position of..
Quality Assurance Engineer
is one tedious and monotonous task and therefore shunned by most software developers. Project managers would rarely allocate manpower resource dedicated for testing. When schedule is tight, practicality sets in and best practice goes out the window. Quality assurance testing is done without much planning and worse, skipped altogether. But recently, this seemingly minor part of the software development value chain is emerging to be a vital cog in reducing unwanted bugs and more expensive product recalls. Not to mention the damage it does to the company’s brand name. An unglamorous and requiring much manpower as it is, quality assurance testing is compelling target for outsourcing.
Source: www.tspi.com.ph
Almost 2 weeks ang job application process. June 14 nung nag-exam ako ng pagkatagal-tagal dahil sa dami. Then, June 24 naman yung initial interview. And finally, June 27 morning nung nangyari yung final interview and job offer nung after lunch.
Nakakatawa lang dahil hindi talaga ako nakapasa nung exam. May dalawang part ng exam na mababa ako, kaya ayun damay na dapat lahat. Balik after 6months na lang sana ang eksena ko, pero hindi ganun ang nangyari. Pinabalik ako ng HR at ininterview(initial) niya agad ako, kasabay nun kinausap niya ako tungkol sa exam ko dahil nga sa mababa ang naging results nito. Binigyan nya ulit ako ng exam, exam na kagaya ng dati. Binigyan nya ako ng pagkakataon dahil nakita nya sa resume at sa essay ko sa application form na deserving ako for the position. Ngiti abot tenga naman ako. Naiisip-isip kong may mga HR din palang nakakakita ng skills ko at nagbibigay ng 2nd chance. After the interview, nagexam ulit ako. Napasa ko naman sa pangalawang pagkakataon. Hanggang sa binigyan nya ako ng schedule for final interview. Hanggang sa binigay sakin ang Job Offer.
Alam mo yun feeling na nagtatalon ang kaluluwa mo sa tuwa? Yung feeling na dumating yung isa sa masasayang araw ng buhay mo? Yung feeling na dumating na ang tamang panahon pagkatapos ng mahihirap na araw na pinagdaanan mo? Saya to the max lang, lalu na nung nakita mo yung mga benefits at salary. :)

Then, masasabi mong isa ka pa pala sa masswerteng nilalang sa mundo. Hahahah!
As a former unemployed person, isa talaga to sa pinakamasayang araw mo, at isa din ito sa pinakamalaking blessings na matatanggap mo. :)
Nang dahil sa malaking gagamba, hindi tuloy ako nakapagsimba.
Hindi na ako tumuloy sa last mass kanina dahil late na akong makakarating. Alam kong balewala rin kung kalagitnaan ng mass lang ang maabutan ko. Hindi tuloy buo ang linggo ko. Laki tuloy ng atraso ko kay God. Gusto ko pa namang magpasalamat ng lubos dahil sa job na binigay nya sakin nung monday. Pero nang dahil sa kinatatakutan ko, hindi ko tuloy nagawa ang mga iyon.
Nakakapraning, dahil kanina pagbalik ko para balikan yung gagamba, bigla na lang nawala ito. Nawala na akala mo’y nakasense siya ng paparating na panganib. Panganib na ikakamatay nya dahil sa tsinelas na armas na dala-dala ko. Taray ng sensor niya di ba?! Dahil dun, poproblemahin ko na naman tuloy siya kinabukasan dahil sa posibilidad niyang paglabas. Magtatayuan na naman ang mga balahibo ko pagpasok. Punong-puno na naman ng suspense ang banyo namin. Tragis!
Pero naiisip ko din, hindi kaya imahinasyon ko lang yung kanina? praning na ba ako sa una pa lang bago ako pumasok ng pinto? Ginagago ko lang ba ang sarili ko?
Ewan. Basta ayoko siyang makita. Magsiliparan na ang maraming ipis at magsigapangan na ang maiitim na daga, wag lang ako makakita ng malaking gagamba.
Anung phobia nga pala ang meron ako? XD
#AsIfMaySasagot #EdiResearchMo
TANGINA, may malaking gagamba na naman sa banyo namin. Malaki dahil ang hahaba ng galamay. Yun pa naman ang isa sa kinatatakutan kong nilalang sa mundo. Ni hindi ko mapatay ng tsinelas dahil nasa tabi sya ng pinto. Hindi ako makakapagbwelo para hapasin sya ng malutong.
Kelangan ko nang maligo dahil magsisimba pa ko. Kelangan ko na namang harapin ang kinatatakutan ko. Pengeng LAKAS NG LOOB please. Tangina kasi bakit pa may ganung creature sa mundo.
Nakikihaya man aminin, pero yun talaga ang kinatatakutan ko. Ibigay nyo na sakin ang palaka, ipis at daga, wag lang yun.
July 2, 2011
Sobrang nagenjoy ako kahapon at kanina sa panlilibre ng close friend ko.
Heavy lunch yesterday @ Glorietta 4. Then, Transformers 3 and heavy lunch again lately @ SM Megamall.
Actually, dapat kahapon pa yung Transformers 3, pero hindi kami natuloy dahil masyado nang gabi yung pinakamagandang schedule na naabutan namin. Tsaka masyado na din kasi kaming late na nagkita-kita dahil sa trabaho ng close friend ko. Sa halip, kumain na lang kami, libre niya. At kumain na naman kami kinabukasan, na libre niya. Nadoble tuloy ang panlilibre. Kawawang kaibigan ko.. HAHAH!
Ilan lamang yun sa mga biglaang plano na natutuloy. Nakakatuwa na nakakatawa.
Kahapon lang nagyaya yung close friend ko para manuod ng sine. Napakabihira lang niyang gumawa ng ganung bagay kaya nagreply agad ako sa kanya. Nagparamdam para ilibre niya ako. Kapal ng mukha eh. Unang sweldo naman nya. Hindi naman siya tumanggi dahil close nga kami. Tsaka alam niyang hindi pa ako nagsisimula sa trabaho, kaya automatic na niyang maiisip yun. Hahah! Sinabi na lang niya sa akin pagkatapos na huwag ko na lang sabihin sa tropa namin ang panlilibre na ginawa niya sakin. Panigurado kasi may inggitang magaganap. Automatic yan. Hahahah!
Apat kaming magkakasama. Yung isa, hindi pa binigyan ng sweldo. Hindi namin alam kung totoo nga o umiiwas lang. Yung isa naghahanap pa ng trabaho. At ako, na hindi pa nagsisimula sa trabaho. Ako na nakapila na sa mga susunod na manlilibre. Ako na may pinakamaliit na sweldo. Laslas.
Nilibre ako ng close friend ko sa panunuod ng Transformers 3 at sa dalawang lunch kahapon at kanina(kagaya sa 2 kasama ko). Sulit at busog. Enjoy din sa kwentuhan. Namiss namin ang buhay kolehiyo. Kanya-kanya silang kwento ng mga working experiences kahit na tahimik ako dahil hindi pa ako nagsisimula.
Hindi man nakumpleto ang tropa pero enjoy naman. Tsaka oks na oks sya sakin dahil may mga kasama ako sa panlilibre - yung mga absent. Mas madaming kasabay, mas mababa ang ambag sa panlilibre, mas masaya! Hindi nga lang kumpirmado sa ngayon kung matutuloy sya.
Ika nga, mas natutuloy ang plano kapag biglaan. At isang halimbawa lang yung nangyari kanina. So ibig sabihin ba nun, hindi matutuloy yung pinaplano namin sa susunod? Sana wag naman. Hihi. Tsaka sa totoo lang, nasa organizers pa rin naman yan kung matutuloy ba o hindi ang planong pinaghahandaan, kahit gaano pa man katagal yan.
Para sa aking pinakamamahal na kaibigan,

Maraming Salamat! Sa uulitin! :)
Una-unahan lang yan, kaya pasensyahan na lang. Hahahah! XD
#KapalTalagaMukha
“Anung ginawa ng organisasyon mo sa paghahanap mo ng trabaho ngayon?! Anung napala mo sa mga pinaggagagawa mo? Eh kung nakinig ka sana samin ng Ma mo sa simula pa lang?!”
Kanina, biglang lumabas ‘to sa bibig ng Tatay ko.
Deadma na lang ako. Pag sinagot ko lang kasi, panigurado talo ako, kahit anong taob pa ang gawin mo sa bahay namin. At pagkatapos nun, wagas na sermon na naman magdamag. Tsaka Father’s Day kahapon, kaya pagbigyan na lang.
Pampaganda ng resume - Inaamin ko, isa ‘to sa mga dahilan ng pagsali ko sa organisasyon. Sa ngayon, hindi ‘to naging epektibo. Hindi ko sila nabulag sa mga credentials ko. Pero hindi ako nagsisisi at lubos pa din akong nagpapasalamat kung bakit ko pinasok ang organisasyon.
Nang pumasok ako sa organisasyon, hindi nagtagal, minahal ko agad ‘to. Madami kasi akong naging kaibigan sa simula pa lang - co-students ng iba’t ibang college level, iba’t ibang course. iba’t ibang universities/colleges, at kahit mga professor at chairperson na tinuturing kong pangalawang ina, kahit napagkakamalang sipsip minsan. Madami din akong natulungan thru activities especially sa environmental at outreach. Madami ding experiences sa pagiging leader. Experiences na naghulma ng ng buong pagkatao ko. At higit sa lahat, ‘yung feeling sa loob mo na nagawa mo yung kalahati ng mission mo dito sa mundo.
Anung ginawa ng organisasyon ko? simple lang, tinulungan akong makita ang meron ako na hindi pangkaraniwan sa lahat at tinulungan akong hanapin ng kalahating mission ko dito sa mundo.
Hindi man ako tinulungan nito sa paghahanap ng trabaho ko pero tinulungan naman ako sa ibang paraan na napakahalaga, na hindi matutumbasan ng kahit anong salapi.

Sabi ni Ma, kamukha daw kita. Sabi ni Ma, sayo ko raw namana yung yung malaking ipin ko.
Kamukha kita??? Weh. Mas gwapo kaya ako. HahaJoksLung.
Parehas tayo ng ipin??? Oks lang, pero mas maganda pa din ngipin ko sayo. Sayo kasi lahat malalaki, sakin yung harap lang. Naalala ko tuloy yung kwento ni Ma. Pinabunot mo daw lahat ng ngipin mo dahil malalaki lahat. Natuturn-off daw sya sayo nun. Kaya ang ginawa mo, pinabunot mo lahat sa ngalan ng pag-ibig. Di ba, nakaka-touch?! Kaya pala puro pustiso ka ngayon. Hahahahah! NanlaitNa. Jk.
Maraming salamat sa lahat. Sa mga waley mong jokes. haha! Sa mga extrang allowance na binibigay mo sakin. Sa pagiging pasensyoso mo sa mga dumarating na problema. Sa lahat ng advice lalu na kapag hindi kami nagkakaunawaan ni Ma. Sa pagtatanggol sakin minsan sa mga kapatoid ko. Sa pagpupuyat mo sa pagsa-sideline. Sa pagsisikap mo na matustusan mo ang tuition fee ko dati. Sa pagtataguyod ng pamilya natin. Sa pagiging mabuti mong asawa kay Ma. At higit sa lahat, sa pagiging mabuti mong Ama sa buong pamilya natin.
Pasensya na sa paghingi ko ng load sayo kada kinsenas ng iyong sweldo. Pasensya na dahil hindi ako masyadong open sa inyo. Hindi tayo masyadong close na gaya ng iba na parang magkaibigan lang ang turingan. Pasensya na dahil si Ma lang ang nasabihan ko ng “I Love You” nung graduation. At pasensya na sa pagiging pasaway ko sa pamilya natin.
Isa lang naman ang hinihiling ko sayo eh, ang tigilan mo ang iyong paninigarilyo. Yun lang naman eh. Masaya na kami dun pag nangyari yun. At sana hindi mahirap para sayo.
HAPPY FATHER’S DAY! Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita. Sana dumating na ang araw na ako naman ang magpapakain sayo. Sana dumating na ang araw na ako naman ang babawi sa lahat ng binigay mo. La pa kasi akong work eh. Hihi. Sensya na muna.
P.S. Hindi ko pinost yung latest pic nating dalawa. Lumuluwa kasi ipin ko eh. XD
Alam mo ‘yung feeling na matatapos na yung karera mo sa pagmo-move on, then bigla syang nagparamdam? Bigla kang mapapaisip kung bakit sya nagparamdam? Mag-iisip na may halong kadramahan. Nagdalawang-isip kung rereplyan ba o hindi. Tapos, rereplyan mo din dahil sa ayaw mong mag-isip siya ng masama sayo kapag hindi ka nagreply. Magkakamustahan. Magkukwentuhan. At sa huli, gaya ng dati, ikaw pa rin ang maiiwan at hindi rereplyan. Ikaw pa rin ang talunan.
Alam mo ‘yung feeling na yun? Yung feeling na bumalik ka sa kalagitnaan ng iyong karera sa pagmo-move on?!